Sa Masigla at Matibay
na Paglilingkod
_____________________
Tinawag ng Diyos at
Kaniyang Hinirang
Nang upang magpuri at
magbigay-lugod;
Sa loob ng kawan ako ay
ibinilang.
Ipinapangakong ako’y
maglilingkod,
Magpapakatapat at
magsusumikap
Na lahat N’yang utos ay
aking masunod.
Kahit may balakid, mga
paghihirap
Ay magpapatuloy hanggang
sa marating
Ang hangaring wakas at
pagiging ganap.
Na ang gantimpala’y di
maihahambing
Sa anumang bagay sa buhay
na ito,
Ipagkakaloob sa Kaniyang
pagdating.
At hindi katulad ng buhay
sa mundo
Ang tatamasahing doo’y
pamumuhay
Ay wala ng dusa, ligalig
at gulo.
Kaya’t buong siglang ako’y
maglalakbay
hanggang sa tamuhin
walang hanggang buhay.
Ezzard R. Gilbang
Quezon City,
Philippines
January 2013
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento