PAGKILALA, PASALAMAT, PAGPURI at DALANGIN sa DAKILANG AMA
O
PANGINOON, sinaliksik mo na ako at iyong nakilala.
Nalalaman
mo kung ako’y nauupo at kung ako’y tumatayo; mula sa malayo’y alam mo ang laman
ng aking isipan.
Batid
mo ang aking paglabas at ang aking paghimlay; hindi lingid sa iyo ang lahat
kung mga daan.
Pinaliligiran
mo ako – sa aking likuran at sa harapan; nahawakan mo na ako ng sarili mong
kamay.
Ang
ganitong kaalaman ay kahanga-hanga sa akin, masyadong
mataas para aking abutin.
Saan
ako magtatago mula sa iyong Espiritu? Saan ako tatakas
mula sa iyong harapan?
Kung
umakyat ako sa kalangitan, naroon ka. Kung ang gawin kong higaan ay ang
kalaliman, naroon ka.
Kung
ako ay lumipad sa sikatan ng araw, o tumira sa ibayo ng karagatan, Kahit doo’y
papatnubayan mo ako ng iyong kamay, mahigpit akong hahawakan ng kanan mong
kamay.
Kung
sabihin ko, “Tiyak na ikukubli ako ng kadiliman at ang liwanag ay magiging gabi
sa aking kapaligiran.”
Maging
ang kadilima’y hindi magiging dilim para sa iyo; ang gabi ay magliliwanag tulad
ng araw, pagkat ang kadiliman ay magiging liwanag
para sa ‘yo.
Sapagka’t
ikaw ang lumikha ng buo kung katauhan; binuo mo ako sa sinapupunan ng aking
ina.
Pinupuri
kita pagkat nakahihindik at kahanga-hanga ang pagkalikha
mo sa akin.
Ang
mga gawa mo ay kahanga-hanga, at ito’y lubos kong nalalaman.
Ang
aking kabuuan ay hindi nalihim sa iyo nang ako ay gawin sa
lihim na dako.
Nang
ako ay buuin sa kalaliman ng lupa, Nakita mo ang wala pang
hugis na katawan ko.
Lahat
ng araw ay natala sa iyong aklat, bago mangyari ang alinman
sa mga ito.
Ang
iyong kaisipan O Dios, ay mahalaga sa akin! Kay lawak ng
kabuoan ng mga ito!
Kung
bibilangin ko ang mga ito; higit na marami ito kaysa mga buhangin,
Kung
ako’y magising, kasama mo pa rin ako.
Siyasatin
mo ako, O Dios, at kilalanin ang aking puso, Subukin mo ako at alamin ang
balisa kung mga kaisipan.
Tingnan
mo kung ako’y mayroong pagsalangsang sa aking sarili, at patnubayan mo ako sa
daang walang hanggan.
Mga
Awit 139: 1-18; 23-24
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento