Namamalaging
Kahalalan
_____________________
Malayong lupain, sa
dakong silangan
nagmula ang Sugo na dala’y
katuwiran.
Nang upang ilapit sa mga
naligaw,
na gaya ng sulo – sa dilim
ay tanglaw.
Kahit pa nang una’y
nag-iisa
na tila yumaong walang
ikakaya,
ang katotohanan ang tangi
n’yang dala;
pangakong alalay sa kanya
ng Ama!
At siya’y ginawang bagong
kasangkapang
Gigiik sa burol, sa dawag
hahawan.
Banta ng timugan, at ng
hilagaan,
kahit na humadlang ay di
napigilan.
Kaya’t kung Sugo ma’y
pinapagpahinga
ay namamalagi sa puso’t
kalul’wa
ang tunay na aral sa
bawat ‘binunga
ng pagpapagal n’yang
hindi mabubura!
Ang kahalalan n’ya ay
mananatili,
ang pagsasakit n’ya’y di
maikukubli,
sa Dakilang Araw pagbibigay-ganti
ng putong ng buhay, bunga
n’ya’y sasaksi—
na muli sa piling ng
Kaniyang Sugo
may kaligayahang hindi
maglalaho!
Ezzard R. Gilbang
Quezon City,
Philippines
May 2013
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento