Sa Pagtatapos ng Taon
___________________
Paano Ka pasasalamatan? Paano Ka papupurihan?
Daming Pagsubok
pinagdaanan,
buong taon di Mo pinabayaan,
Aming gugunitain, basbas
Mo’t pagpapala sa amin,
Babalik sa Iyong tahanan, dala’y handog ibinukod isinimpan
Upang Ika’y parangalan,
lumuwalhati sa banal Mong Pangalan.
Anong igaganti? Anong
Masasabi?
Hindi kayang ilarawan, biyaya Mo sa Iyong kawan
Ikaw ang nag-ingat, ikaw
rin ang nag-angat,
Ipinagtanggol sa lahat, sa mandaraya’t sumasalungat,
Sa mga tukso’t, kami’y ipinagsanggalang
Mo!
Sinong nagpanukala?
Sinong gumawa?
Iglesia’y lumaganap, malaking tagumpay tinanggap,
Naglagay Ka ng
Namamahala, sa patnubay walang sawa,
Mapagmahal at
mapagkalinga,
tulad ng Sugo at sinundang Tagapamahala.
Pag-ibig Mo sa Iyong
bayan, kailanma’y di matutumbasan.
Paano na ang mga hirap? Paano na sa hinaharap?
Sa pagtatapos ng taon, patnubay Mo’y ipabaon,
Buong Iglesia’y patuloy
liligaya, punuin ng pag-asa,
Solido sa
pananampalataya, sa pag-ibig ay sagana,
Magpupuri kami sa Iyo
Ama,
sasambahin Kang walang hangga!
Erwin M. Almedina
Quezon City,
Philippines
December 2015
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento