Panalangin at Pag-asa
__________________
Sa bilis ng agos ng
pagbabago
Di maiiwasang matangay
ang tao,
Mga pangako sa Diyos,
maging sa sarili mo
Huwag kalimutan;
pakaingatan ito.
Pag-unlad na hatid ng
pagbabago,
Maaaring makatulong sa
pangarap mo
Subali’t laging ilagay sa
isip
Sa Ama manggagaling ang
marapat sa iyo.
Gusto mong umunlad,
maging asensado
Kasipagan, pagsisikap ang
sagot dito.
Bawa’t hakbang sa daang
tatahakin,
Isangguni sa Ama sa mga
panalangin mo.
Masarap abutin mataas na
pangarap,
Kung taglay ang pusong panatag
Kamtin ang tagumpay di
lubhang mahirap,
Kung buong tiwala sa
Kaniya ilagak.
Taimtim na panalangin
asahang mabisa,
Lalong tatatag ang
pag-asa mo at nasa
Biyayang hangad at mga
pagpapala,
Kakamtin mong lubos sa
Amang Dakila.
Irma M. Pasco
Masbate, Philippines
February 2013
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento