Sagipin Ang Nasa
Dilim
____________________
Ipukol, igala ang iyong
paningin,
Sa ating paligid na
puspos ng dilim,
Naroon ang mga kamag-anak
mandin,
mga kaibigan, kababayan
natin.
Ating pagsikapan sila’y
matanglawan
Nang sa paghuhukom h’wag
maparusahan.
Dapat kahabagan, dapat
damayan,
Hanguin sa dilim na
kinasadlakan.
Hayo na, kapatid, kilos
magmadali!
Agawin and tao, sa dusa’y
mabawi!
Dalhin sa Iglesia, nang
upang mapawi,
Mapait na hatol na
ikasasawi!
Kung madala sila sa tunay
na kawan
at magbalik-loob sa Diyos
nating Banal
ay magkakasamang
makapagdiriwang
sa malapit na ngang ating
kaligtasan!
Minerva T. Pilon
Quezon City,
Philippines
March 2013
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento