Mga Pahina

Linggo, Nobyembre 13, 2016

AKO'Y LINGKOD MO


Ako'y Lingkod Mo
_____________

Ako'y tinawag, hinirang Mo
Upang pumasok sa Iglesia Ni Cristo
Naging bunga ng Iyong pagsusugo
Ako'y Iyo, ako ay lingkod Mo

Sa takbuhin sa buhay na ito
Sinagupang suliranin, hindi ko matanto
Paano malalampasan, paano masugpo
Ngunit Ikaw Ama, tumulong na totoo.

Sa aking pagpasok sa banal na Iglesia
Kalakasang espirituwal, aking nadama
Matatag, totoong mananampalataya
Pagkat Ikaw Ama, gumagabay, sumasama.

Sa pakikipaglaban para sa pananampalataya
Ikaw pa rin nawa'ng mag-ingat, mag-alaga
Sa iyong alipin, sa lingkod Mong aba
Samahan Mong lagi sa pakikibaka.

Nangangako naman sa Iyo nang tapat
Hindi susuko hanggang maging dapat
Lahat ay gagawin, ihandog man ang buhay ko,
Para sa Iglesiang mahal, masunod kalooban Mo.


Odriel Kyle G. Joven
Quezon City, Philippines
June 2016

1 komento: