Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 14, 2016

SA MASIGLA AT MATIBAY NA PAGLILINGKOD



Sa Masigla at Matibay na Paglilingkod
 _____________________

Tinawag ng Diyos at Kaniyang Hinirang
Nang upang magpuri at magbigay-lugod;
Sa loob ng kawan ako ay ibinilang.

Ipinapangakong ako’y maglilingkod,
Magpapakatapat at magsusumikap
Na lahat N’yang utos ay aking masunod.

Kahit may balakid, mga paghihirap
Ay magpapatuloy hanggang sa marating
Ang hangaring wakas at pagiging ganap.

Na ang gantimpala’y di maihahambing
Sa anumang bagay sa buhay na ito,
Ipagkakaloob sa Kaniyang pagdating.

At hindi katulad ng buhay sa mundo
Ang tatamasahing doo’y pamumuhay
Ay wala ng dusa, ligalig at gulo.

Kaya’t buong siglang ako’y maglalakbay
hanggang sa tamuhin walang hanggang buhay.




Ezzard R. Gilbang
Quezon City, Philippines
January  2013

LEAD ME HEAVENWARD, O LORD



Lead Me Heavenward, O Lord
 _________________________

Forsake me not, O Lord, and lead me heavenward,
For thou art my fortress and Thou art my guide:
Be merciful, O Lord, and heal my weary soul,
Strengthen and deliver from evil and trouble.

The God of Jesus Christ is my refuge,
I fear not though the mountains move;
I’ll praise Thee, O God, till the end of the earth,
Forever Thou art my God until death.

Reward to me the joy of salvation,
As I acknowledge my sins and transgressions;
Redeem my soul from eternal perdition,
To Thee, I make this earnest supplication.

I’ll take delight to Thy will,
My covenant with Thee I’ll gladly fulfill;
After all of this earthly sojourn, I pray –
A faithful rendezvous with God
As He lead me heavenward.



Evangeline B. Fuentes
Bulacan, Philippines
February  2013

PANALANGIN AT PAG-ASA



Panalangin at Pag-asa
 __________________

Sa bilis ng agos ng pagbabago
Di maiiwasang matangay ang tao,
Mga pangako sa Diyos, maging sa sarili mo
Huwag kalimutan; pakaingatan ito.

Pag-unlad na hatid ng pagbabago,
Maaaring makatulong sa pangarap mo
Subali’t laging ilagay sa isip
Sa Ama manggagaling ang marapat sa iyo.

Gusto mong umunlad, maging asensado
Kasipagan, pagsisikap ang sagot dito.
Bawa’t hakbang sa daang tatahakin,
Isangguni sa Ama sa mga panalangin mo.

Masarap abutin mataas na pangarap,
Kung taglay ang pusong panatag
Kamtin ang tagumpay di lubhang mahirap,
Kung buong tiwala sa Kaniya ilagak.

Taimtim na panalangin asahang mabisa,
Lalong tatatag ang pag-asa mo at nasa
Biyayang hangad at mga pagpapala,
Kakamtin mong lubos sa Amang Dakila.




Irma M. Pasco
Masbate, Philippines
February  2013

SAGIPIN ANG NASA DILIM



Sagipin Ang Nasa Dilim
 ____________________

Ipukol, igala ang iyong paningin,
Sa ating paligid na puspos ng dilim,
Naroon ang mga kamag-anak mandin,
mga kaibigan, kababayan natin.

Ating pagsikapan sila’y matanglawan
Nang sa paghuhukom h’wag maparusahan.
Dapat kahabagan, dapat damayan,
Hanguin sa dilim na kinasadlakan.

Hayo na, kapatid, kilos magmadali!
Agawin and tao, sa dusa’y mabawi!
Dalhin sa Iglesia, nang upang mapawi,
Mapait na hatol na ikasasawi!

Kung madala sila sa tunay na kawan
at magbalik-loob sa Diyos nating Banal
ay magkakasamang makapagdiriwang
sa malapit na ngang ating kaligtasan!


Minerva T. Pilon
Quezon City, Philippines
March  2013