Mga Pahina

Miyerkules, Disyembre 16, 2020

A NEW DAWN, A NEW PLEA



A New Dawn, A New Plea
 _____________________


Another year has passed, a fresh start beckons.
Together, let us continue this lifelong journey;
For in this world, we are strangers – not citizens
Weary travelers heading home to rest, finally.

Onward, let us march denying this land’s allure,
For where we are headed, there is only true joy;
Happiness beyond measure, bliss that is pure -
What this world can offer, fire will soon destroy.

Yes, that is what will happen to this earth,
For others, are enduring myth, for some an old joke;
But for you and me, it is nothing less than the truth,
For it is God Almighty who decreed, who spoke.

Armed with this knowledge, let us face the New Year.
Of the many challenges ahead – undaunted and unworried
For how could God’s true servants be defeated by fear
When He, the Creator, will provide what we need.

So, instead of wasting our time in all things fleeting.
Let us obey God’s commands, His call-urgently heed.
For when that final call and dreadful day comes dawning –
This question will not be about our wealth but what we did.

So as we all embark on this year-long chapter of our journey,
Let us humbly bow our heads and to our Maker, make a plea;
“In the Church of Christ, Father, continue to deem us worthy,
And make us fully obedient servants, worthy of the Holy City.”




Arnel M. Armenia
Quezon City, Philippines
January  2013

Miyerkules, Abril 15, 2020

ALALAHANIN ANG LUMIKHA SA KAARAWAN NG BUHAY

PAGKILALA, PASALAMAT, PAGPURI at DALANGIN sa DAKILANG AMA


O PANGINOON, sinaliksik mo na ako at iyong nakilala.
Nalalaman mo kung ako’y nauupo at kung ako’y tumatayo; mula sa malayo’y alam mo ang laman ng aking isipan.
Batid mo ang aking paglabas at ang aking paghimlay; hindi lingid sa iyo ang lahat kung mga daan.

Bago bumigkas ng anuman ang aking dila, lubos mo nang alam ang aking sasabihin, PANGINOON.
Pinaliligiran mo ako – sa aking likuran at sa harapan; nahawakan mo na ako ng sarili mong kamay.
Ang ganitong kaalaman ay kahanga-hanga sa akin, masyadong 
mataas para aking abutin.
Saan ako magtatago mula sa iyong Espiritu? Saan ako tatakas 
mula sa iyong harapan?
Kung umakyat ako sa kalangitan, naroon ka. Kung ang gawin kong higaan ay ang kalaliman, naroon ka.
Kung ako ay lumipad sa sikatan ng araw, o tumira sa ibayo ng karagatan, Kahit doo’y papatnubayan mo ako ng iyong kamay, mahigpit akong hahawakan ng kanan mong kamay.
Kung sabihin ko, “Tiyak na ikukubli ako ng kadiliman at ang liwanag ay magiging gabi sa aking kapaligiran.”
Maging ang kadilima’y hindi magiging dilim para sa iyo; ang gabi ay magliliwanag tulad ng araw, pagkat ang kadiliman ay magiging liwanag 
para sa ‘yo.
Sapagka’t ikaw ang lumikha ng buo kung katauhan; binuo mo ako sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri kita pagkat nakahihindik at kahanga-hanga ang pagkalikha 
mo sa akin.
Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga, at ito’y lubos kong nalalaman.
Ang aking kabuuan ay hindi nalihim sa iyo nang ako ay gawin sa 
lihim na dako.
Nang ako ay buuin sa kalaliman ng lupa, Nakita mo ang wala pang 
hugis na katawan ko.
Lahat ng araw ay natala sa iyong aklat, bago mangyari ang alinman 
sa mga ito.
Ang iyong kaisipan O Dios, ay mahalaga sa akin! Kay lawak ng 
kabuoan ng mga ito!
Kung bibilangin ko ang mga ito; higit na marami ito kaysa mga buhangin,
Kung ako’y magising, kasama mo pa rin ako.
Siyasatin mo ako, O Dios, at kilalanin ang aking puso, Subukin mo ako at alamin ang balisa kung mga kaisipan.
Tingnan mo kung ako’y mayroong pagsalangsang sa aking sarili, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Mga Awit 139: 1-18; 23-24

Lunes, Nobyembre 14, 2016

SA MASIGLA AT MATIBAY NA PAGLILINGKOD



Sa Masigla at Matibay na Paglilingkod
 _____________________

Tinawag ng Diyos at Kaniyang Hinirang
Nang upang magpuri at magbigay-lugod;
Sa loob ng kawan ako ay ibinilang.

Ipinapangakong ako’y maglilingkod,
Magpapakatapat at magsusumikap
Na lahat N’yang utos ay aking masunod.

Kahit may balakid, mga paghihirap
Ay magpapatuloy hanggang sa marating
Ang hangaring wakas at pagiging ganap.

Na ang gantimpala’y di maihahambing
Sa anumang bagay sa buhay na ito,
Ipagkakaloob sa Kaniyang pagdating.

At hindi katulad ng buhay sa mundo
Ang tatamasahing doo’y pamumuhay
Ay wala ng dusa, ligalig at gulo.

Kaya’t buong siglang ako’y maglalakbay
hanggang sa tamuhin walang hanggang buhay.




Ezzard R. Gilbang
Quezon City, Philippines
January  2013